UTANG NG PINAS SA CHINA ‘DI TULAD SA IBANG BANSA

dof101

(NI BETH JULIAN)

NANINIWALA ang Department of Finance (DoF) na hindi dapat i-ugnay ang utang Pilipinas sa China sa utang ng ibang bansa sa kanila tulad ng Sri Lanka.

Ito ang reaksyon ng DoF matapos magbabala ang mga kritiko ng administrasyon na dapat mag ingat ang gobyerno sa pag utang sa China dahil sa posibilidad na debt trap ito tulad ng nangyari sa iba pang bansa na nakuha na ngayon ng China ang kontrol sa ilan nilang infrastructure na hindi na kayang magbayad ng utang.

Sinabi ni Finance Usec. Mark Dennis Joven, ang utang ng Sri Lanka ay aabot sa $8 bilyon at ang isang proyekto na na-take over na ng China ay nagkakahalaga ng P1 bilyong utang.

Paliwanag pa ni Joven, mas maliit lamang ang utang ng Pilipinas sa China kumpara sa utang sa kanila ng Sri Lanka.

Dahil dito, mas mababa talaga ang posibilidad na hindi mabayaran ng Pilipinas ang utang nito sa ibang mga bansa tulad ng China.

Tiniyak din ng Joven na alam ng Pilipinas ang mga nangyayari sa ibang mga bansa at hinding-hindi sasadlak ang pamahalaan sa mga utang na hindi mababayaran.

Idinagdag pa nito na mali rin ang sinasabi ng mga kritiko na aabot sa mahigit $12 bilyon hanggang $24 bilyon ang utang ng Pilipinas sa China dahil sa ngayon ay nasa $260 hanggang $270 milyon lamang ito.

148

Related posts

Leave a Comment