(NI BERNARD TAGUINOD)
KINASTIGO ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Senador Cynthia Villar matapos pag-initan nito ang apat na milyong sako ng bigas na hindi umano inilalabas ng National Food Authority (NFA).
Ayon sa mambabatas, inalisan ni Villar ng poder ang NFA bilang regulatory body at hindi na rin pinagbebenta ang mga ito ng bigas subalit ngayon ay nagtataka ang mga ito na walang magawa ang ahensya sa mataas na presyo pa rin ng bigas.
“The very essence of the law is to get rid of NFA, as the state regulatory body to the rice industry, supposedly pulling up farm gate prices via its procurement and pulling down retail prices via its retailing. And now, Villar is blaming them for failing to stabilize prices,” ani Brosas.
Ang sinasabi aniyang bigas na hindi nailalabas ng NFA ay buffer stock na ilalabas lang kapag kinapos ng supply sa merkado subalit hindi aniya ito magawa ng ahensya dahil sa pagdagsa ng imported na bigas sa bansa dahil sa batas na ginawa ng senadora.
248