VILLAR  PINAKAMAYAMAN PA RIN SA MGA SENADOR

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KAHIT sa pagpasok ng mga bagong senador, nananatili pa rin si Senador Cynthia Villar bilang pinakamayaman na miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sa updated Statement of Asset of Liabilities and Networth (SALN), as of June 2019, naitala ang networth ni Villar sa P3.534 bilyon.

Mababa ito kumpara sa kanyang networth hanggang noong Disyembre 2018 na P3.719 bilyon.

Nasa ikalawang pwesto ng pinakamayaman na senador si Senador Manny Pacquiao  na may P3.005 bilyon na networth.

Bukod kina Villar at Pacquiao, wala nang ibang senador na umabot sa bilyon ang networth.

Ikatlo sa pinakamayaman na senador si Sen. Ralph Recto, P555.32 milyon; sumunod si Sen. Juan Miguel Zubiri, P182.85 milyon at pang-lima si Sen. Bong Revilla P164.20 milyon.

Sinundan sila nina Sen. Sonny Angara, P139.026 milyon; Sen. Franklin Drilon,  P97.726 milyon; Sen. Sherwin Gatchalian, P96.210 milyon; Sen.Grace Poe, P95.693 milyon; Sen. Pia Cayetano, P82.308 milyon; Sen.Richard Gordon, P71.285 milyon; Senate President Tito Sotto, P70.120 milyon;  Sen. Manuel Lapid, P69.910 milyon; Sen. Francis Tolentino, P62.482 milyon; Sen. Nancy Binay, P59.911 milyon; Sen. Panfilo Lacson, P42.442 milyon; Sen. Imee Marcos P29.970 milyon;  Sen. Koko Pimentel, P29.934 milyon; Sen Ronald Dela Rosa, P28.258 milyon; Sen. Joel Villanueva P26.921 milyon;  Sen. Francis Pangilinan, P16. 695 milyon; Sen. Risa Hontiveros, P15.627 milyon;  Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, P15.508 milyon.

Pumalit naman kay dating Senador Sonny Trillanes bilang pinakamahirap na senador si Sen. Leila de Lima na may networth na P7.706 milyon.

Wala namang naitalang liabilities o pagkakautang sina Villar at Gatchalian.

 

200

Related posts

Leave a Comment