VOTER’S REGISTRATION GAGAWIN SA MALLS, SCHOOLS

COMELEC-5

(NI HARVEY PEREZ)

MAGSASAGAWA ang Commission on Elections (Comelec) ng voters’ registration sa mga paaralan at malls upang maabot ang mga bagong botante.

Nabatid na ang dalawang buwan na voters’ registration ay magsisimula sa  Agosto 1 hanggang Setyembre 30 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Nabatid sa Twitter account ng Comelec na magkakaroon din ng   satellite registration sa loob ng mga pribadong establisimyento at   educational institutions  para mahikayat ang mas maraming tao na magparehistro.

“Comelec will be using satellite registration venues like malls and schools to ensure that the commission reaches out to new voter registrants,” ayon kay Teofisto Elnas Jr., director ng  poll body  ng  Election and Barangay Affairs Department (EBAD).

Bukas umano ang voters’ registration sa bagong botante,  Sangguniang Kabataan voters, transfer of registration at reactivation of registration.

Ayon sa Comelec, maaring magparehistro ang isang Filipino citizen, residente ng Pilipinas, at may anim na buwan nang nakatira sa lokalidad na gusto niyang botohan.

Ang aplikante ay dapat na 15-anyos bago ang Mayo 11, 2020  SK polls. Kapag regular na voter dapat na 18- anyos bago ang May 11, 2020.

164

Related posts

Leave a Comment