(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)
MULING inindyan ni Vice President Sara Duterte ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at pinangatawanan ang naunang pahayag na hindi siya dadalo sa mga susunod na pagsisiyasat sa di umano’y maling paggamit ng Department of Education (DepEd) ng budget nito.
Ang congressional investigation para kay VP Sara ay “unnecessary.”
Dumalo si VP Sara sa initial investigation ng House committee on good government and public accountability noong nakaraang linggo, ngunit sinabi na hindi na siya dadalo sa mga susunod pang pagsisiyasat at pagdinig ng panel.
“The inquiry is based on unsubstantiated allegations contained in a privilege speech by Cong. Rolando Valeriano… Cong.
Valeriano merely cited the 2023, 2024 and 2025 budget of the OVP were concentrated in the National Capital Region,” ayon kay VP Sara sa liham na natanggap ng Kongreso, araw ng Miyerkoles.
“Such claims can be verified through the accomplishment reports submitted by the OVP to support its 2025 budget proposal, and confirmed through various news reports, COA reports and postings on various social media platforms,” ang nakasaad sa liham.
“Clearly the conduct of a formal inquiry or hearing on the matter is unnecessary.”aniya pa rin.
Dapat na mag-draft ang mga mambabatas ng House bill “to ensure that the discussions would be germane to the subject matter,” aniya.
“The HOR cannot compel people to participate in the legislative process and such right is protected by the Constitution,” aniya pa rin.
Kinalampag din ni VP Sara ang Kongreso sa di umano’y maling paggamit nito ng ‘right to conduct investigations in aid of legislation.’
Nag-ugat ang imbestigasyon ng Kongreso mula sa privilege speech ni Manila Rep. Rolando Valeriano at manipestasyon ni Batangas Rep. Gerville Luistro sa di umano’y kabiguan ng DepEd — sa ilalim ng liderato ni VP Sara na makapaghatid ng computers at iba pang materyales na binili ng ahensya.
Wala ring dumating na opisyales sa OVP maliban sa spokesperson ni Duterte na si Michael Pua subalit nilinaw nito na sumipot siya dahil kabilang siya sa mga opisyales ng Department of Education (DepEd) na ipinatawag.
Gayunman, tumanggi itong magsalita para sa OVP dahil wala umano siyang otorisasyon at kalilipat lamang nito sa nasabing tanggapan noong Agosto.
Hindi naman naging dahilan ang hindi pagdalo ni Duterte sa imbestigasyon para hindi ito ituloy kung saan sinabi ni Chua na kaduda-duda ang paggamit ng Pangalawang Pangulo sa kanyang CIF.
Ayon sa mambabatas, hindi lamang ang P125 million CIF ni Duterte noong 2022 ang kuwestiyonable ang paggamit kundi maging ang P500 million na pondo noong 2023 kung saan P51 million lamang sa nasabing halaga ang na-clear ng COA.
“When one goes deeper and looks at the liquidation reports for these disbursements, a disturbing pattern and similarity emerges, with perfectly round numbers – ni isang sentimo ang butal – being attributed to expenses such as medicine and food. Paulit-ulit po, at parang kinopy-paste, ang liquidation ng Confidential Funds ng OVP,” ani Chua.
Dahil sa laki umano ng pondong hindi maipaliwanag ni Duterte kung paano niya ginamit ay pasok ito sa plunder kung saan P50 million lamang ang kailangang pondong sangkot para kasuhan ng plunder case ang isang opisyal ng gobyerno.
Dapat Mag-Apology
Samantala, matapos hamunin na mag-resign na lamang kung hindi interesadong gampanan ang kanyang tungkulin, pinag-a-apology ngayon ng mga kongresista si Duterte sa pagsisinungaling nito kaugnay sa akusasyong nag-beach ito sa Camarines Norte.
Ginawa nina House Assistant Majority Leaders Paolo Ortega ng La Union Zambales Rep. Jay Khonghun ang pahayag matapos kumalat ang mga larawan ni Duterte na nasa Calaguas Island ito noong Lunes ng umaga gayung hinihintay ito ng Kamara para sa deliberasyon ng budget ng Office of the Vice President (OVP). Itinanggi ito ng Bise Presidente at tinawag na fake news.
“The Vice President owes the Filipino people an explanation and an apology. This is not the kind of leadership we deserve – where the truth is hidden and lies are told to cover it up,” pahayag ni Ortega.
“When you’re caught in a lie, the best course of action is to apologize, not to make excuses,” dagdag pa ng mambabatas.
Itinuturing naman ni Khonghun na ‘conduct of unbecoming of a public officials” ang pagsisinungaling umano ni Duterte gayung maraming larawan ang lumalabas na nakasuot ito ng short at t-shirt na nakikipag-picture sa mga tao sa nasabing beach sa Camarines Norte.
Maging si Makabayan bloc Representative France Castro ay dismayado kay Duterte dahil huling-huli na ito ay patuloy pa rin nitong itinatanggi na nasa beach ito.
Magugunita na 17 oras na naghintay ang Kamara kay Duterte noong Lunes na inabot ng alas-tres ng madaling araw ng Martes.
Kasunod nito ay kumalat ang larawan ni Duterte na nasa Mahabang Buhangin Beach sa Calaguas Island, Camarines Sur subalit naglabas ng statement ang OVP na pinag-iingat ang publiko hinggil dito dahil fake news umano ito.
147