WALANG DAPAT IKABAHALA SA KASO NG MPOX – DOH

WALANG dahilan para mangamba ang Department of Health (DOH) at mangailangan na i-activate ang Interagency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ito ang tiniyak ni DOH Secretary Ted Herbosa sa kabila ng pagkakaroon na ng 14 kaso ng Mpox sa bansa mula pa noong Agosto.

Ang nasabing bilang aniya ay mababa pa at hindi pa dapat ikabahala.

Pinawi rin nito ang pangamba ng publiko dahil maaari pang ma-control ang sakit at maputol ang pagkakahawa rito.

Kahit aniya mayroong Clade 1B na uri ng Mpox at marami ang nakakarekober ay hindi pa dapat i-activate ang IATF-EID. (JULIET PACOT)

100

Related posts

Leave a Comment