WALANG DRAMA SA SPEAKERSHIP RACE; CAYETANO NAILUKLOK

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN)

MISTULANG bigo ang nag-aabang ng drama sa botohan ng Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos iluklok na walang naging problema si Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano bilang House Speaker ngayong 18th Congress.

Mismong si Presidential son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang nagbukas sa nominasyon kay Cayetano bilang Speaker

“Mr. Speaker I nominate the distinguished gentleman from the Taguig-Pateros Allan Peter Cayetano,” ni Rep. Duterte subalit bago ito ay nilinaw nito na hindi siya pabor sa term sharing.

Kasama rin sa mga nag-nominate kay Cayetano ang mga nakalaban nito sa Speakership race na sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Matapos ang botohan, idineklara ni Presiding Speaker at House of Representative Secretary General Roberto Maling na si Cayetano ang nahalal na House Speaker sa botong 266.

Nakalaban ni Cayetano sa Speakership si Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante na nakakuha naman ng 28 boto na inaasahang magiging minority leader ngayong 18thCongress.

Bilang pagsunod sa tradisyon sa Kamara, ibinoto ni Abante si Cayetano bilang House Speaker ang Manila solon naman ang ibinoto ng bagong House Speaker.

Sa 297 na present mula sa 304 congressmen ngayong 18th Congress 3 ang hindi bumoto na kinabibilangan nina Buhay party-list Rep. Lito Atienza, Albay Rep. Edcel Lagman at Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III.

Pinanumpa ni Iloilo Rep. Braden John Biron, na siyang pinakabatang miyembro ng 18th Congress si Cayetano bilang ika-22 House Speaker.

Marami ang  nag-abang sa botohan ng Speakership ng Kamara dahil simula noong Mayo ay samut-saring isyu ang lumutang hinggil sa pagpili ng Speaker ng Kamara pagkakaroon ng sariling kandidato ang mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Rep. Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte  ng sariling  ng  kandidato sa katauhan ni Velasco.

Lalong umugong na magkakaroon ng fireworks matapos magpatawag ng breakfast si Rep. Duterte bago ang magbukas ang session ng 18th Congress, Lunes ng umaga subalit hindi ito sinipot ng Presidential son bagkus ay pumunta ito sa hiwalay ng agahan na inorganisa ni Cayetano.

Gayunpaman, hindi nangyari ang inaasahan ng mga tao na drama dahil matiwasay na nairaos ang botohan.

 

120

Related posts

Leave a Comment