Walang pilitan – CHEd FACE-TO-FACE CLASSES TULOY

HINDI magiging sapilitan kundi boluntaryo lamang ang mga gustong pumasok na mag-aaral sa pagbabalik ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses.

Ito ang paglilinaw ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera.

Kahit aniya inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resumption ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses ay hindi pipilitin ang mga mag-aaral na ayaw mag-face-to-face at kailangan silang bigyan ng alternatibo ng kanilang mga pamantasan o unibersidad.

Sadya lamang aniyang may mga subject kasi na kailangan ang mga estudyante ay maka-interact lalo na sa mga pasyente kaya’t isinulong ang pagpapatupad nito. (CHRISTIAN DALE)

Depensa ng Malakanyang sa pagbawi sa travel ban
PINAS HANDA
SA UK VARIANT

TINIYAK ng Malakanyang na may sapat na kakayahan ang Pilipinas para gamutin ang mga magkakasakit o mahahawa ng UK variant ng COVID-19.

Ito ang dahilan, ani Presidential spokesperson Harry Roque kung bakit binawi na ng gobyerno ang travel ban sa ilang mga bansa na una nang nakitaan ng bagong variant ng virus.

Aniya, sapat din ang mga protocol na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng mga lokal na pamahalaan kung saan makaraan ang limang araw na quarantine ng mga pumapasok o umuuwi ng Pilipinas ay saka sila magpapa-test at isasailalim sa 14 araw na mandatory quarantine.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng Malakanyang na hindi lahat ng mga dayuhan ay pwedeng makapasok sa bansa ngayong binawi na ang travel ban sa mahigit tatlumpong bansa na nakitaan ng UK covid variant.

Kabilang lamang sa mga pinapayagan ay iyong mga may hawak na treaty trader’s visa At investor’s visa.

Ani Sec. Roque, base sa datos ng gobyerno, kakaunti lamang ang bilang ng foreigners o dayuhan na may hawak ng ganitong uri ng mga visa.

Giit ng Kalihim, hindi pa rin pinahihintulutan ng gobyerno na pumasok ng Pilipinas ang mga turistang dayuhan.

Aniya pa, nagpatupad lamang ng travel restriction sa ilang mga bansa na mayroong new variant dahil kinakailangan munang masiguro na mayroong kumpletong kakayahan at kaalaman ang Pilipinas para gamutin ang mga magkakasakit. (CHRISTIAN DALE)

55

Related posts

Leave a Comment