‘WALANG PNEUMONIA OUTBREAK’

doh

ITINANGGI ng Department of Health (DoH) ang balitang mayroong pneumonia outbreak ngayon sa bansa, ayon kay Health Undersecretary Erick Domingo.

Sinabi ni Domingo na walang katotohanan ang kumakalat na balita sa social media.

Sa katunayan umano ay mas mababa ang bilang ng mga may sakit na pneumonia ngayon kumpara noong nakaraang taon.

Sinabi ni Domingo na maraming paraan upang makaiwas sa sakit at pinayuhan ang publiko ng ibayong ingat sa kalusugan upang hindi magkasakit.

5

Related posts

Leave a Comment