‘WALK THE TALK’

(NI BERNARD TAGUINOD)

“IT’S about time for her to walk the talk.”

Ito ang tila hamon ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap kay Leni Robredo matapos itong i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter-agency committee on anti-illegal drugs (IACAD).

Ayon kay Yap, dapat tanggapin ni Robredo ang kanyang appointment dahil ito na ang kanyang pagkakataon na makatulong upang sugpuin ang ilegal na droga sa bansa na ginegera ngayon ni Duterte.

“Sa panahon ngayon na patuloy na laganap ang droga sa bansa, we need all the help that we can get para masugpo ito. If the Vice President have better ideas, I’m sure the government would like to hear it,” ayon pa sa kongresista.

Ang appointment ni Robredo ay nag-ugat sa pagbatikos nito sa anti-illega drug war ni Duterte kung saan bigo umano ito dahil sa kabila ng marami nang napatay na sangkot sa ilegal na droga ay patuloy pa rin ang problema.

“I hope this will remind everyone to work hand in hand with the government to solve our problems. Walang puwang ang crab mentality sa ating lipunan at panahon na para magtulong tulong. Sabi nga ni John Kennedy, ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country,” ayon pa sa kongresista.

May kutob naman si Albay Rep. Edcel Lagman na imbes na set-up lamang ang appointment ni Robredo upang mapahiya dahil hindi drug czar kundi co-chairman lamang ng IACAD ang ibigay na posisyon sa kanya.

“The diluted position validates the fear that the Vice President is being set up to fail,” ani Lagman.

Sinabi ni Lagman na ang IACAD ay binubuo ng 20 ahensya ng gobyerno kaya hindi rin umano ito makakilos mag-isa.

 

332

Related posts

Leave a Comment