WATER LEVEL NG ANGAT DAM SUMADSAD MULI

angatdam12

(NI JEDI PIA REYES)

SUMADSAD pa ang antas ng tubig sa Angat Dam na nagpalala sa ipinatutupad na water interruptions sa Metro Manila.

Sa huling monitoring ng Pagasa Hydrometeorology Division, alas-6:00 ng Sabado ng umaga nang umabot na lang sa 159.58 meters ang water level sa dam. Mas mababa na ito sa critical low level na 160 meters.

Sa kasalukuyan ay nasa 36 cubic meters per second (CMS) ang alokasyon ng Angat dam para sa Metropolitan Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ipinamamahagi sa mga water concessionaire sa Metro Manila.
Aabot sa 6.8 milyong kustomer ng Manila Water ang apektado ng kakapusan ng suplay ng tubig o nangangahulugan nito ng 100-porsyento ng mga siniserbisyunan nito.

“100 percent ang apektado. ’Yung ating rotational service interruption ay pinatutupad natin concession wise; kumbaga sa buong nasasakupan ng Manila Water. Kaya essentially lahat ng customers ng Manila Water ay apektado,” ayon kay Jeric Sevilla, tagapagsalita ng Manila Water.

Sinabi pa ni Sevilla na posibleng tumagal pa ng 12 hanggang 17 oras kada araw ang water interruptions.
Samantala, nabatid naman kay Jennifer Rufo, Maynilad Corp. Comm head, ang lalawigan ng Cavite ang pinakaapektado sa kanilang siniserbisyuhan dahil sa layo nito.

“Definitely po may pagrarasyon kami sa mga apektadong lugar pero pinapayuhan po natin ang publiko na alamin ang oras na magkakaroon ng tubig sa kanilang lugar,” sabi nito.
Asahan na rin aniya na malabo ang tubig dahil nagmumula na sa ilalim ng Angat dam ang kanilang inilalabas.

249

Related posts

Leave a Comment