ZERO FOOD WASTE ISINUSULONG 

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senador Lito Lapid na mabawasan, kung hindi man, tuluyang mawala ang pagsasayang ng tone-toneladang pagkain sa bansa.

Sa kanyang Senate Bill 1242, nais ni Lapid na magkaroon ng regulatory system para sa promosyon, pamamahala at paniniyak na mababawasan ang food waste sa pamamagitan ng redistribution at recycling.

Ito ay makaraang lumitaw sa 2018 Global Food Security Index (GFSI), na sa 113 bansa, nasa ika-70 pwesto ang Pilipinas sa antas ng seguridad sa pagkain makaraang makakuha ng score na 51.5 out of 100 dahil sa isyu ng food waste.

Alinsunod sa panukala, obligado ang Food-related business na magsumite ng initial report sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local governments ng talaan ng kanilang edible at inedible food waste sa nakalipas na taon; ang paraan ng kanilang pagtatapon kasama na ang donasyon, composting o discarding.

Mandato rin ng mga ito na pumasok sa kontrata sa food banks na mamamahagi ng mga tirang pagkain sa mga walang kakayahan subalit dapat tiyakin na maayos at mapapakinabangan pa ang mga ito.

Dapat ding magkaroon ng kontrata ang mga kumpanya sa food waste management at recycling enterprises para namang gawing fertilizer o compost ang mga sirang pagkain.

Nakasaad sa panukala na ang DSWD ang magsisilbing coordinating agency sa pagitan ng mga kumpanya at food banks.

Ang sinumang lalabag ay papatawan ng multang magmumula sa P1 milyon hanggang P5 milyon na dedepende sa inflation rate at consumer price index.

 

141

Related posts

Leave a Comment