NBA Finals: Warriors vs Celtics WALANG TULAK-KABIGIN

SINO’NG mag-uuwi ng 2022 Larry O’Brien Trophy? Boston o Golden State?

Matapos dispatsahin ang kani-kanilang karibal na Miami Heat sa Eastern Conference at Dallas Mavericks sa Western, papagitna simula sa Biyernes (Manila time) ang Warriors at Celtics para sa Game 1 ng NBA championship series sa Chase Center sa San Francisco.

Mula 2015 hanggang 2019, hindi nawawala sa finals ang Warriors, kung saan tatlong beses nilang ibinulsa ang korona. Sa kabilang banda, pumasok ang Celtics sa dalawang conference finals, pero sa dalawang okasyon, bigo ang Boston sa koponan ni LeBron James.

Ilang araw bago ang best-of-seven, nagpahayag si Warriors star guard Steph Curry ng saloobin hinggil sa kalaban, pero hindi masyadong dinetalye kung ano ang inaasahan niya sa matchup, sa halip, pinuri niya ang Boston sa mga pinagdaanan ng koponan at kung papaanong nakarating sa finals.

“They’re obviously a great team. They’re in the Finals,” lahad ni Curry sa panayam ng CBS Sports. “They’ve had their group together – have gone through a lot together the last four, five years.

They had some success early and figured out how to sustain it and now they’re here on this stage. It’ll be an amazing test. They’ve got some guys playing at a really high level, they’re a very well-rounded team. They’ve got size. They’ve been well-tested this playoff run.”

Dagdag pa ng two-time MVP: “We like the matchup in terms of just confidence going in, knowing that we can win but there’s obvious respect in terms of what they present as a team. [Jayson] Tatum, [Jaylen] Brown, they’re the heads of the snake. Marcus Smart does what he does. Then, you got some vets. Obviously, Al Horford’s been in the league for a long time and this is his first Finals appearance. So, I’m sure they’re motivated just like we are and excited to get things going.”

Nakapokus naman si Warriors coach Steve Kerr kay Marcus Smart, ang Defensive Player of the Year at ikinumpara nito ang player sa kanyang star player.

“His strength and his anticipation, he’s got an ­incredible feel for the game at that end,” wika ni Kerr patungkol kay Smart. “He’s like the guard version of Draymond [Green]. He’s reading angles, he’s guarding all five positions, if he switches on to a five man, he’s so strong, he can hold them off. He’s quick enough to chase point guards around, big enough to guard wings so he can literally guard 1-5 in the modern game. He’s appropriately named, a very smart player and really versatile and great, great defender.”

Ang depensa ni Smart ay sinasabing ‘difference-maker’ sa Finals. Sa kanyang eight-year career, nagagawa niyang itali si Curry sa 29% shooting (field) kapag siya ang dumedepensa, ayon sa stats ng Second Spectrum.

Si Curry ay nagtala ng poor shooting performance sa unang matchup ng ­Celtics at Warriors sa season. Sa kabila nang pag-iskor ng 30 puntos, 8-of-21 siya sa field at 5-of-14 naman sa 3-point range at may anim pang turnovers. Habang sa second matchup, may three points si Curry (1-of-4 ­shooting at four turnovers bago nilisan ang laro sa second quarter nang matapakan ni Smart ang paa habang dumadrive sa loose ball.

May ‘above par performance’ rin naman si Curry laban sa Celtics. Noong nakaraang season, umiskor si Curry ng 47 points mula sa 15-of-27 shooting.

Ang poor shooting ni Curry laban kay Smart ay masasabing indikasyon ng tagumpay ng Celtics laban sa Warriors kahit noon pang 2014-15, unang taong nagkampeon ang Golden State.

May 9-7 ang Boston laban sa Kerr-coached Warriors, ‘best record’ sa NBA. Mayroon ding tala ng ilang memorableng panalo ang Celtics laban sa Warriors sa panahong nabanggit, kabilang ang 2016, kung saan Boston ang unang team na tumalo sa Golden State @ home sa buong taon, iyon ang season na naglista ang Golden State ng 73-9 records.

Tinalo ng Celtics ang Warriors sa Oracle Arena (Golden State home hanggang 2019) noong 2017, na championship season ng Warriors.

Inisplit ng dalawang team ang dalawang regular-matchup, kung saan wagi ang Golden State noong Disyembre sa Boston at nanaig naman ang Celtics noong Marso sa Warriors.

EMBIID
INOPERAHAN

SUMAILALIM si Philadel­phia 76ers center Joel ­Embiid sa surgery sa kanyang right thumb at left index finger, inihayag ng koponan nitong Martes at sinasabing wala namang magiging impact sa kanyang paglalaro sa simula ng susunod na season.

May punit na ligament si Embiid sa kanang thumb natamo sa Philadelphia’s first-round kontra Toronto Raptors. Nagtamo rin siya ng orbital bone fracture sa serye naging dahilan ng pagliban ng dalawang laro ng Sixers’ six-game loss sa Miami Heat sa Eastern Conference semifinals.

Lumaro siya sa final four games versus Miami, nagtala ng below average kumpara sa kanyang runner-up campaign sa regular-season MVP race.

Hindi naman binanggit kung anong injury mayroon ang left index finger niya.

Binulabog ni Embiid ang twitter nang mag-tweet ng “Miami needs ­another star” sa kasagsagan ng Eastern ­Conference finals, bilang pagbibigay suporta sa dating Sixers teammate at Heat leader na si Jimmy Butler.

Ang four-year, $196 million maximum contract extension pinirmahan ni Embiid sa Philadelphia ay magsisimula pa lang sa 2023-24 season. (VT ROMANO)

122

Related posts

Leave a Comment