NEGOSYANTE ITINUMBA SA GASOLINAHAN

BATANGAS – Patay ang isang negosyante matapos tambangan sa isang gasolinahan sa bayan ng Lemery sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Leo Recito Gonzales, 61, residente ng Barangay Manghinao, Bauan, Batangas.

Batay sa report ng Lemery Police, nangyari ang pamamaril sa Clean Fuel gasoline station sa Barangay Bukal, Lemery bandang alas-4:00 ng hapon

Batay sa report, galing sa pagde-deliver ng cooking oil ang biktima sa Balayan kasama ang kanyang misis na si Florife Gonzales, 51, nang tumigil ang mga ito sa gasolinahan upang magkarga ng diesel at mag-CR.

Ngunit habang pasakay na sa kanilang Isuzu 10-wheeler truck ang biktima galing sa CR nang mula sa likuran ay pagbabarilin ito ng isa sa mga suspek na agad nitong ikinamatay

Tumakas ang suspek na umangkas sa isang naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng kasapakat nito. (NILOU DEL CARMEN)

237

Related posts

Leave a Comment