NEGOSYANTE PATAY SA KAGAWAD

BATANGAS – Patay ang isang negosyante matapos barilin ng barangay kagawad na kanyang sinapak sa Barangay Sinisian, Calaca, Batangas noong Martes ng hapon.

Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Reymundo Endozo, residente ng Barangay Poblacion, Calaca.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Manuel Del Rosario, residente at kagawad ng Barangay Caluangan.

Ayon kay P/Maj. Vergilio  Jopia, hepe ng Calaca police, nangyari ang pamamaril sa Barangay Sinisian matapos na magpang-abot ang dalawa sa isang gasolinahan.

Nakatayo umano sa gas station ang kagawad ngunit nang dumating ang biktima ay biglang sinapak ang una.

Pagkaraan ay tumakbo palayo ang kagawad ngunit hinabol ito ng biktima bitbit ang kanyang maigsing baril.

Humantong sa palitan ng putok ang habulan hanggang sa nasapol ng bala mula sa .45 kalibreng baril sa ulo ang biktima.

Ayon sa pulisya, matagal nang mayroong alitan ang dalawa na humantong sa barilan. (NILOU DEL CARMEN)

 

 

184

Related posts

Leave a Comment