NESTHY PETECIO UMANI NG PAPURI, PASASALAMAT SA SENADO

IKINAGALAK nina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Panfilo “Ping” Lacson ang panalo ni Nesthy Petecio ngayong Martes ng panibagong silver medal sa Tokyo Olympics 2020 matapos talunin ang kalaban sa boksing.

Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi nina Go at Lacson na naitala ni Petecio ang panibagong kasaysayan sa pahina ng Pilipinas dahil kauna-unahan siyang Filipina na nanalo ng medalya sa Women’s Featherweight division ng boksing sa Olympics.

“Congratulations to Nesthy Petecio for winning the Tokyo Olympics silver medal in Women’s Featherweight boxing! Yours is a historic win for being the first Filipina to win an Olympic medal in boxing since we joined the Olympics almost a century ago,” ayon kay Go.

“Bilang isang kapwa mo Dabawenyo at chair ng Senate Sports Committee, malaki ang paghanga ko sa ipinakita mong gilas at tapang sa loob ng boxing ring,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Go na dulot ng walang humpay na pananalig, determinasyon at competitiveness, isa si Petecio sa beacon na magbibigay inspirasyon sa ating mamamayan partikular sa kabataan sa gitna ng matinding pagsubok sa atin.

“Mabuhay ka, Nesthy! Isa kang lodi!,” patapos ni Go.

Sinabi naman ni Lacson na lubhang kahanga-hanga si Petecio dahil sa kabila ng problemang kinahaharap ng bansa, nagbigay ito ng magandang dahilan upang magsaya ang mga Filipino: Isang Filipina ang nagbigay karangalan na naman sa Pilipinas sa Olympics.

“Nesthy Petecio represented us well, with her fighting spirit on full display in her bout against Sena Irie of Japan,” ayon kay Lacson.

Ayon kay Lacson, dating PNP bago naging politiko, na dulot ng kanyang nakamit, nagbigay inspirasyon si Nesthy sa atin na “sumuntok” kahit lampas  sa ating weight class – hindi sa boxing ring kundi sa ring ng pang-araw-araw  na pamumuhay.

“Mabuhay ka, Nesthy! Mabuhay ang ating mga atleta! Mabuhay ang Pilipinas!,” patapos ni Lacson. (ESTONG REYES)

90

Related posts

Leave a Comment