2 PINATAY SA JEEP SA MAYNILA, BAGONG LAYA

BAGONG laya ang dalawang lalaking pinatay ng riding-in-tandem habang lulan ng jeep sa Sta. Cruz, Manila nitong Huwebes ng umaga.

Ito ang napag-alaman sa MPD-Station 3.

Ayon sa ulat, ang mga napatay na sina Felizardo Pablico y Talao, 49 at Reynaldo Nuque, Jr. y Garcia, 40, na-dismiss na pulis at dating nakatalaga sa Caloocan City Police District ay sangkot sa serye ng holdapan sa CAMANAVA area at sa lalawigan ng Bulacan.

Inaresto umano ang dalawa noong nakaraang Nobyembre dahil sa kasong robbery holdup at illegal possession of firearms.

Nasangkot din umano ang dalawa sa panghoholdap at pagpatay sa isang retiradong pulis noong nakaraang Hulyo, 2011 na naging dahilan ng pagkakasibak sa serbisyo ni Nuque.

Batay sa ulat nina Det. Paulo de Guzman at Det. Dexter Onaro, bandang alas-10:00 ng umaga ng Huwebes, Enero 14 nang pagbabarilin ang dalawa habang sakay ng pampasaherong jeep sa Quezon Boulevard sakop ng Sta. Cruz, Maynila.

Patuloy na inaalam ng MPD ang tunay na motibo sa pamamaslang. (RENE CRISOSTOMO)

141

Related posts

Leave a Comment