ISINELDA ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kasama ang isang 17-anyos na estudyanteng dalagita, sa panulukan ng Nepomuceno at San Rafael Streets, Barangay 390, Quiapo, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ang dalawang suspek na sina John Henry Bingo, 28, at John Michael Rinitigan, 19, habang nasagip ang dalagitang si alyas “Ashley”.
Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-1:30 ng madaling araw nang damputin ang tatlo sa nasabing lugar sa inilatag na buy-bust operation, sa pangunguna ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDEU.
Bago isinagawa ang operasyon, nakipagkoordina muna ang grupo ni Lobaton sa tanggapan ng PDEA.
Nakumpiska sa mga suspek ang anim na sachet ng umano’y shabu na 20 gramo ang timbang katumbas ng halagang P136,000.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug of 2002).
(RENE CRISOSTOMO)
141