3 biyahero mula South Africa NAKA-QUARANTINE SA NEGROS OCC

MAY tatlong byahero na dumating sa bansa mula South Africa noong nakaraang linggo ang naka-quarantine sa Negros Occidental.

Ayon sa Negros Occidental provincial government, ang tatlong dayuhan, sinasabing consultants ng isang power firm sa naturang lalawigan ay dumating sa bansa ilang araw bago pa ipatupad ng Pilipinas ang travel ban.

Dalawa sa mga ito ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport noong Nobyembre 24. Nang sumunod na araw ay kaagad ang mga itong lumipad sa Negros Occidental.

Ang pangatlong dayuhan naman ay dumating sa bansa noong Nobyembre 26.

Matatandaang, pansamantalang sinuspinde ng pamahalaan ang pagpasok sa bansa ng mga biyahero mula South Africa, Botswana, at iba pang bansa na may local cases o kahalintulad na B.1.1.1529 variant ng COVID-19.

Tatagal ang travel ban hanggang Disyembre 15.

Samantala, inatasan naman ng Department of Health (DOH) officials sa Negros Occidental, ang local government na tuntunin ang mga nasabing dayuhan at mga nakasalamuha ng mga ito. (CHRISTIAN DALE)

6

Related posts

Leave a Comment