4 TULAK NABITAG SA MALABON

KALABOSO ang apat na drug personalities makaraang matiklo sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Magkakasunod na ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Albert Teel alyas “Buboy,” 35; Paolo Piamonte, 43; Jayson Mendoza alyas “Son,” 30, at Ryan Jay Muring, 41, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa ulat, dakong alas 2:00 nang madaling araw nang isagawa ang operasyon sa Gen. Luna, Brgy. Ibaba, at nang tanggapin ang P500 marked money mula sa isang undercover cop, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, ay agad hinuli sina Teel at Piamonte, pati sina Muring at Mendoza na mga parokyano nila.

Nasamsam sa mga suspek ang 1.7 gramo ng shabu na may presyong P11,560, at buy-bust money. (ALAIN AJERO)

3

Related posts

Leave a Comment