5 VIETNAMESE NATIONALS NASAGIP SA PROSTITUSYON

pulis

LIMANG Vietnamese national ang nasagip ng mga pulis mula sa prostitusyon ng dalawang foreign national na naaresto ng mga operatiba mula sa SPD DSOU, sa ikinasang entrapment and rescue operation dakong alas-2:30 madaling araw noong Nobyembre 25, 2022 sa Bayshore 1 Residence, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Ang operasyon ay nag-ugat sa report ng isang Romel Battung sa mga pulis na limang Vietnamese national ang minanipula bilang prostitutes sa Unit 5H, Tower C, Bayshore 1 Residence sa Parañaque City.

Agad na kumilos ang police operatives at plinano ang rescue operation base sa report ni Battung.

Nagpanggap na customer ang isang pulis at nang kumagat sa pain ang dalawang suspek ay dinakip ang mga ito at nasagip ang mga biktimang kinilalang sina Bhu Thi My Linh, 29; Ngyuyen Thi Yen, 27; Tran Thi Yen, 27; Tran Thi Thuy Duong, 25, at Trieu Niu Coi, 31-anyos.

Kinilala naman ang arestadong mga suspek na sina Huang Diyong, lalaking Chinese national, at Ha Thi Ut, babaeng Vietnamese national.

Nabawi sa dalawang suspek bilang mga ebidensya sa kanilang ilegal na transaksyon, ang dalawang ₱1,000 bill, 51 piraso ng ₱1,000 boodle money, isang itim na Toyota Fortuner na may plate number NBK1912, at 1 unit Apple iPhone 14 Promax.

Ang arestadong mga suspek ay dinala sa SPD DSOU Office para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang kasong paglabag Section 3(a) ng Revised Penal Code 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Person Act) laban sa kanila. (DAVE MEDINA)

37

Related posts

Leave a Comment