AFP AT PNP NAKAALERTO VS THREAT GROUPS, LOOSE FIREARMS SA BSKE

TULOY-TULOY ang paghahanda ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kaya’t nakapokus ang dalawang government security agencies sa posibleng threat groups at paglaganap ng loosed firearms bago ang halalan.

Ayon kay AFP Spokesman Col. Medel Aguilar, partikular na kanilang tinututukan ang armed groups na posibleng magamit bilang hired goons o private armed groups ng ilang political groups.

Bukod pa sa pagpapaigting ng implementasyon ng total gun ban ni Col. Aguilar, nabatid na maging ang mga air soft o pellet guns at replica guns ay plano ng AFP na isama sa mga ipinagbabawal ng Commission on Election.

Nabatid na nagsagawa na ng mga pagpupulong ang  Area Police at Military Command kasama ang Commission on Election at maging ang mga tauhan ng Philippine  Coast Guard Districts bilang paghahanda sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Nabatid na pinulong na rin ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang mga regional director at unit heads para magbaba ng direktiba hinggil sa papalapit na eleksyon.

Ayon kay Acorda, mahigpit nilang tinututukan ang accounting ng loose firearms na posibleng magamit sa mga krimen kabilang na ang mga baril na nasa pag-iingat ng mga pulis at militar.

Sinasabing batay sa record ng PNP, nasa halos 19,000 police at military personnel ang hindi pa nakapagre-renew ng kanilang lisensya ng baril.

Gaya rin ng ginagawa ng militar, mahigpit din ang monitoring ng PNP sa threat groups tulad ng private armed groups, criminal gangs at iba pa.

Ito ay dahil sa pamamagitan nito ay mas madaling matutukoy ang areas of concern na siya namang tatalakayin ng PNP sa susunod na joint meetings kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Commission on Elections (COMELEC).

Samantala, sinabi rin ni Acroda na pinaa-account niya ang mga most wanted person lalo na ang mga sangkot sa murder at iba pang karumal-dumal na krimen.

Samantala, kasalukuyang kinokonsidera ng Committee on the Ban of Firearms and Security Concerns ng Commission on Elections ang panukala ng AFP na isama ang mga air-gun at mga gun replica sa ipatutupad na gun-ban.

As per COMELEC Resolution 10905, ang election period ay mula August 28hanggang November 29. Sa panahong ito ay mahigpit na paiiralin ang total gun ban. Inihayag ng Comelec na simula June 5naman ang filing ng application for gun ban exemption. (JESSE KABEL)

133

Related posts

Leave a Comment