AFP NAG-SORRY SA KAPALPAKAN SA ‘RED-TAGGING’

HUMIHINGI ngayon ng paumanhin ang Armed Forces of the Philippines – Information Exchange sa kapalpakan na lalong nagpatindi sa hidwaan sa pagitan ng Department of National Defense at University of the Philippines kaugnay sa pagpapawalang bisa sa “No Cops, No Troops on campus” deal.

Ito ay bunsod ng naunang pagpapalabas nila ng listahan ng mga umano’y nagsipagtapos sa Pamantasan ng Pilipinas na napatay o nahuli ng militar dahil sa pagiging rebeldeng komunista na nai-post sa kanilang social media account.

Nitong nakalipas na linggo, tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hihingi ng tawad ang AFP sa kanilang pagkakamali. “Yes, the AFP will apologize. What reason will they give? I do not know. It’s an unpardonable gaffe…” ani Sec. Lorenzana.

Samantala sa hanay ng AFP, “We sincerely apologize for those who were inadvertently affected by inconsistencies regarding the List of Students who joined the NPA (Died or Captured) that was posted in the AFP Information Exchange Facebook account.”

“That article has since been immediately taken down or deleted from our social media accounts,” ayon sa Facebook post ng AFP – Information Exchange.

Kamakailan, humarap sa mga mamamahayag ang ilan sa mga nakasama sa isinapublikong listahan, na kinabibilangan ng mga abogado at kinondena ang pangyayari kasabay ng pagtanggi na sila ay naaresto, lalo na napatay, dahil sa pagsanib sa NPA.

“The Office of the J7, AFP is already conducting an internal investigation as to how the list got published. Personnel who are responsible will be held to account,” ayon pa sa social media post ng AFP Information Exchange.

Samantala, dapat din umanong magpaliwanag si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa ginawa nitong pagtalikod sa kasunduan nang walang pagkonsulta sa kabilang panig hinggil sa 1989 DND-UP Accord. (JESSE KABEL)

35

Related posts

Leave a Comment