ISANG bagong low pressure area sa Mindanao ang minomonitor ng Pagasa habang paalis ng bansa ang lumakas na bagyong ‘Ineng’ ngayong Sabado.
Sinabi ni weather specialist Gener Quitlong na ang LPA ay namataan sa 1,900 kilometers east ng Mindanao at kasalukuyang wala pang direktang epekto sa bansa.
Nagpapatuloy naman si ‘Ineng’ patungong Batanes at namataan sa 105 kilometers east-northeast ng Basco town.
May bitbit itong lakas na 100 kilometer per hour (kph) at pinakamalakas na hangin ng hanggang 125 kph.
Nakataas pa rin sa signal number 2 ang Batanes at Babuyan Group of Islands.
Ang Apayao, Cagayan, Ilocos Norte, Isabela, Kalinga at northern Abra ay nasa signal number 1.
Sinabi ni Quitlong na magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes at Cagayan, kabilang ang Babuyan Group of Islands, Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Mindoro Provinces, northern portions ng Palawan, kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Antique, Iloilo at Guimaras.
Inaasahang aalis ng bansa si ‘Ineng’ Sabado ng hapon o gabi.
186