BAGYONG ONYOK LALAKAS SA LOOB NG 24-ORAS

(NI ABBY MENDOZA)

LALAKAS pa ang bagyong Onyok at magiging Severe tropical storm sa loob ng 24 oras, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon 11:00 weather bulletin na ipinalabas ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa Virac, Catanduanes, taglay nito ang lakas ng hangin na 65kph at bugso na 70kph, kumikilos ito sa 35kph na hindi umano ordinaryo dahil lubha itong mabilis para sa isang bagyo.

Kung hindi magbabago ang kilos ng bagyong Onyok ay inaasahan na hindi pa rin magla-landfall hangggang sa tuluyang makalabas ng Philippine Area of Responsibility(PAR) sa araw ng Martes.

Ang mga lugar na dadaan ng bagyo ay makakaranas ng katamtaman hanggang malalakas na paguulan kaya nagbabala ang Pagasa ng biglaang pagbaha gayundin ang landslide habang  apektado ng bagyo ang Luzon kaya makakaranas ng maaliwalas na panahon na may maliit na tiyansa ng pag ulan kabilang na sa Metro Manila.

Sa ngayon ay apektado ng buntot ng bagyo ang Bicol at Eastern Visayas region.

Ang bagyong Onyok ay ikalimang bagyo na tumama sa bansa nito lamang buwan ng Setyembre.

 

202

Related posts

Leave a Comment