BAGYONG TISOY HUMINA NA MATAPOS ANG 4 NA LANDFALL — PAGASA

BAGYONG USMAN-2

(ABBY MENDOZA)

MAY apat na beses tumama sa lupa ang bagyong Tisoy na naging dahilan ng tuluyang paghina nito.

Bagama’t bahagya na itong humina habang tinatahak ang direksyon patungo sa West Philippine Sea ay nanatiling nakataas ang Storm Signal No 3 sa tatlong lugar habang malaking bahagi pa rin ng Luzon ang nasa ilalim ng Storm Signal No 2 batay sa 5:00 weather update na ipinalabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa).

Unang naglandfall ang bagyong Tisoy alas 11:00 ng gabi noong Disyembre 2 sa Gubat, Sorsogon; ikalawa ay alas 4:00 ng madaling araw (Disyembre 3) sa  San Pascual, Burias Island, Masbate; ikatlo ay alas 8:30 ng umaga sa Torrijos, Marinduque at alas 12:30 ng tanghali sa Naujan, Oriental Mindoro ang ikaapat na pagtama nito sa lupa.

Ayon sa Pagasa, patuloy na makakaranas ng tuloy tuloy na paguulan sa Quezon,  Rizal, Mindoro Provinces, Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Marinduque, at Romblon.

Ang mga residente sa nasabing lugat ay inaabisuhan na patuloy na mag-ingat dahil malalakas na ulan pa rin ang hatid ng bagyo na maaring magdulot ng landslide.

Nakataas pa rin ang storm surge na aabot sa 3 meters sa Marinduque, Mindoro Provinces, Romblon, Cavite at Batangas.

Ang mata ng bagyong Tisoy ay huling namataan 110 km Northwest ng San Jose, Occidental Mindoro, kumikilos ito sa bilis na 25kph at may taglay na lakas ng hangin na  130 kph at bugso na 200 kph.

Sinabi ni PAGASA Weather specialist Benison Estareja na Miyerkoles ng hapon ay maaari nang magresume ang mga laro ng Sea Games dahil na rin sa inaasahang gaganda na ang lagay ng panahon pagsapit ng hapon lalo na sa lugar ng CALABARZON.

Ani pa ni  Estareja na magkakaroon na rin ng sunny periods sa Metro Manila sa araw ng Miyerkoles kaya hindi na nila inirerekomenda na magkansela ng pasok sa nga paaralan, samantala ang Central Luzon ay patuloy na makararanas ng pag-uulan.

Nasa ilalim ng Signal No 3 ang Oriental Mindoro,Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island at Batangas.

Signal No 2 naman ang umiiral sa  Romblon,Camarines Norte,Metro Manila

Bulacan,Bataan,Tarlac,Pampanga,Rizal,Quezon kabilang ang Polillo Islands

Zambales,Marinduque,Cavite, Laguna,northern portion ng Camarines Sur; Southern part ng Nueva Ecija, southern Aurora at Palawan.

Signal No 1 naman sa Southern portion ng Quirino, nalalabing lugar sa

Aurora, northern portion ng Palawan Pangasinan, southern portion ng Nueva Vizcaya, at northern Antique.

Sa forecast ng PAGASA ay sa Huwebes ng umaga ay nasa bisinidad na ng Subic, Zambales ang bagyo bago tuluyang lumabas ng Philippine area of responsibility.

 

221

Related posts

Leave a Comment