BAKUNA SA 3-DAY NAT’L VAX PROGRAM NAIPAMUDMOD NA

HANDANG-HANDA na ang pamahalaan sa three-day national COVID-19 vaccination program na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

“Lahat po, iyong deployment, lahat ng assignments, lahat ng tasking at responsibilities down to the regional level at pakikipag-ugnayan po natin sa mga LGUs ay napaghandaan na po nating lahat,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“Nag-meeting na naman kami sa IATF kahapon to, again, emphasize and remind. At sa araw na ito and sa susunod pang mga araw na naiiwan before the November 29 ay patuloy pa rin iyong ating pagtutok, pag-monitor, pag-remind at ang patuloy naming panawagan sa lahat na hindi pa nagpabakuna, kailangan magpabakuna. Let’s take advantage of the three days ng National Vaccination Days para magpabakuna na,” dagdag na pahayag ni Nograles.

Sa kabilang dako, kinumpirma ng Department of Labor and Employment na mayroon nang suplay ng bakuna ang lahat ng lugar sa bansa na pagdarausan ng national vaccination day.

Ayon kay DOLE Regional Operations Labor Standards and Special Concerns Cluster Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco, bahagi ito ng preparasyon ng pamahalaan para sa malawakang bakunahan na nakatakda nang isagawa simula Nov. 29 hanggang Dec. 1. (CHRISTIAN DALE)

22

Related posts

Leave a Comment