BINATILYO NABARIL NG PINSAN, PATAY

PATAY ang isang 14-anyos na binatilyo makaraang maputukan ng kanyang 22-anyos na pinsan habang naglilinis ng baril sa Brgy. 96, Tondo, Manila noong Huwebes ng gabi.

Namatay habang inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Alexis Michael Santos habang sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Edu Crisostomo, kapwa ng nasabing barangay.

Base sa ulat ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 11:30 ng gabi, habang nililinis ng suspek ang kanyang .38 kalibreng baril nang bigla itong pumutok ng dalawang beses at tinamaan sa ulo ang biktima.

Agad isinugod ang biktima sa nabanggit na pagamutan ngunit dakong alas-6:36 ng gabi ay nalagutan ito ng hininga.

(RENE CRISOSTOMO)

 

58

Related posts

Leave a Comment