DALAGA PATAY SA SUNOG SA TONDO

PATAY ang isang 22-anyos na dalaga makaraang masunog ang ilang kabahayan sa Mayhaligue Street, Estero De Magdalena, Barangay 262 Zone 23, Tondo, Manila, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Ashley Lorente, jobless, residente ng nasabing lugar.

Base sa ulat ni Senior Fire Officer 4 Erwin Arabis ng San Lazaro Fire Station ng BFP, nagsimula ang sunog bandang alas-3:58 ng hapon at idineklarang fire-out ng dakong alas-4:28 ng hapon.

Umabot sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sinasabing nagsimula sa bahay ng isang Estephanie Ajedo.

Patuloy pa ang imbestigasyon upang mabatid ang sanhi ng sunog habang tinatayang P50,000 ang halaga ng napinsalang mga ari-arian sa nasabing insidente.

(RENE CRISOSTOMO)

 

397

Related posts

Leave a Comment