DOH kumontra OCTA: PWEDE NA ULING MAG-CHRISTMAS PARTY

0

INAASAHANG makapagdaraos na muli ng Christmas Party ngayong Disyembre, ngunit ito ay para sa mga bakunado lamang, ayon sa OCTA Research Group.

“In places na vaccinated ‘yung attendees, kunwari sa office Christmas party na everyone’s vaccinated na, we can probably have a big Christmas party because the risk right now seems low,” ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng OCTA.

Ito ay makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa at pagluwag na ng healthcare facilities at isolation centers.

Ngunit hindi kumbinsido ang Department of Health (DOH) dito. Iginiit ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan pa rin ipatupad nang husto ang ‘minimum health protocols’ partikular ang pag-iwas sa matataong lugar at pagiging magkakadikit.

Handa naman umano ang DOH na mag-adjust sa sitwasyon ngunit nananatili ang palagiang pagtiyak sa kaligtasan ng lahat.

Hindi rin pabor dito ang pinuno ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) na si Dr. Jose de Grano. Kung magkakaroon man ng Christmas parties, iginiit niya na posible na magkakadikit na miyembro ng pamilya lamang.

Kahit na lumuluwag na ang ‘occupancy’ ng mga ospital, ipinaalala niya na may problema ngayon sa tauhan dahil sa pag-alis ng mga healthcare worker patungo sa ibang bansa. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment