INIHAYAG ni Senador Leila de Lima na sumablay si Justice Secretary Menardo Guevarra sa pagsasabing “late” na umano ang paghahain nito ng Motion for Bail sa kanyang kasong Conspiracy
to Commit Illegal Drug Trade na wala naman sa alinmang batas.
Sa pahayag, sinabi ni De Lima, dating justice secretary na walang nakalagay sa alinmang batas o Konstitusyon na ipinagbabawal ang akusado na maghain ng Motion for Bail hanggang walang hatol ang korte.
Sinabi ni De Lima na sinabi umano ng government prosecutor at ng DOJ secretary na “late” daw ang pag-file nila ng Motion for Bail.
“Dapat daw noong umpisa pa lang ng kaso kami nag-file,” aniya.
Dahil dito, hinamon ni De Lima si Guevarra na magpakita ng anomang nakasulat na batas, sa Rules of Court o sa mga desisyon ng Korte Suprema na may taning ang pag-file ng bail motion habang nililitis ang kaso. (ESTONG REYES)
63