FLOATING STATUS NG BPO EMPLOYEES, PINABUBUSISI

NAALARMA na si Senador Leila de Lima na impormasyon na dumarami ang mga regular employees ng Business Process Outsourcing (BPO) companies ang nasa inilalagay sa floating status sa gitna ng kinakaharap na COVID 19 pandemic.

Kaugnay nito, nais ni de Lima na imbestigahan ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ang impormasyon.
Sa kanyang Senate Resolution (SR) No. 462, sinabi ni De Lima na dapat rebisahin ang kasalukuyang labor laws, policies at practices upang makatugon sa pangangailangan ng mag manggagawa ngayong panahon ng krisis.

Sa impormasyon ng senador, noong Mayo may mga regular employees ng ilang BPOs ang na-expose sa isang COVID-19 patient kaya’t inilagay ang mga ito sa “floating status”  at sumalang sa 14 na araw na mandatory self-quarantine period nang walang sahod.

Makalipas ang isang buwan, ilan pang BPO regular employees ang inialagay sa “floating status” sa loob ng 90 araw matapos mag-pull out sa Philippine operations ang ilang offshore accounts.
Aminado si de Lima na nasa batas ang paglalagay sa mga empleyado sa floating status subalit malaking problema anya na mawalan ng kita ang mga empleyado sa ilang buwan. (DANG SAMSON-GARCIA)

164

Related posts

Leave a Comment