HEALTH PROFESSIONALS NA MAY OEC EMPLOYMENT CONTRACT, PWEDE NANG MAG-ABROAD

PUWEDE nang lumabas ng bansa ang mga health professional na mayroong papeles gaya ng Overseas Employment Certificate (OEC) na ipinalabas ng Philippine Overseas Employment
Administration (POEA).

Maaari na ring makalabas ang mga mayroong verified employment contract “as of March 8, 2020”. “Kapapasok lang po na balita. Nadesisyunan po ng IATF ngayong hapon na ‘yung mga health
professionals na meron na pong mga papeles, ibig sabihin yung OEC na issued ng POEA at yung employment contract na verified as of March 8, 2020 ay pupwede pong lumabas ng bansa,” ayon
kay Presidential spokesperson Harry Roque kahapon.

Bukod sa mga ito, pwede na rin aniyang lumabas ng bansa ang mga balik manggagawa o ‘yung mga nagbabakasyon lamang sa Pilipinas at matagal nang nagtatrabaho sa ibang bansa.
“Sakop pa rin po ang pagde-deploy abroad ng lahat ng health professionals kung wala po silang dokumento on or before March 8, 2020,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

89

Related posts

Leave a Comment