Hindi COVID ikinamatay ng high-profile inmates KASONG MURDER SA 22 NCRPO COPS

patay

TALIWAS sa paniwala ng marami, hindi COVID-19 ang dahilan sa pagpanaw ng mga klasipikadong high-profile inmates na na noo’y nakapiit sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Giit ng National Bureau of Investigation (NBI), pinaslang ang mga kilalang sentensyadong personalidad, kasabay ng pahayag kaugnay ng kasong murder na isinampa sa Department of Justice laban sa 22 pulis na miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, ang 22 pulis na sinampahan ng kasong pagpatay ay pawang nakatalaga lamang sa Bureau of Corrections noong mangyari ang pamamaslang sa mga sikat na bilanggong nahatulan sa salang drug-trafficking.

Ani Lavin, lumalabas sa kanilang maingat na pagsisiyasat na ginamit lamang ang COVID para pagtakpan ang mga pagpatay kina Jaybee Sebastian at walo pang high-profile detainees.

Buwan ng Hulyo 2020 nang umpisahan ng NBI ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Sebastian na tumayong testigo laban sa noo’y Senador Leila de Lima.

Hanggang sa mga oras na sinusulat ang balita, nananatili namang tikom ang BuCor hinggil sa kasong inihain sa mga pulis na pumatay diumano sa kanilang mga bilanggo.

Gayunpaman, palaisipan pa rin sa NBI kung kaninong bangkay ang ipinrisinta ng BuCor na agad namang ipinasunog ang bangkay, batay na rin sa noo’y umiiral na panuntunan sa gitna ng banta ng nakamamatay na COVID-19.

Sa datos ng BuCor, siyam na bilanggo sa Maximum Security Compound ang binawian ng buhay mula Mayo hanggang Hulyo, kabilang sina Sebastian, shabu tiangge operator Amin Imam Boratong, dalawang Pinoy at dalawa pang Chinese nationals. (RENE CRISOSTOMO)

58

Related posts

Leave a Comment