‘ILLEGAL RECRUITER’ NATUNTON SA CORRECTIONAL

MAKARAAN ang halos walong taon, sinilbihan ng warrant of arrest ang isang 52-anyos na ginang sa kasong illegal recruitment, makaraang matunton sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City noong Biyernes ng hapon.

Sa pakikipag-ugnayan ng Manila Police District- Ermita Police Station 5, sa pamunuan ng jail, isinilbi ni Police Chief Master Sergeant Arnel Santos ang warrant of arrest sa suspek na kinilalang si alyas “Jessica”, residente ng Parañaque City.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander,

bandang alas-3:30 ng hapon nang isilbi sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Reynaldo Roxas, ng Regional Trial Court , Branch 12 ng City of Manila, sa kasong illegal recruitment at estafa.

(RENE CRISOSTOMO)

129

Related posts

Leave a Comment