LALAKI TIKLO SA SEXTORTION SA EX-GF

DINAMPOT ng mga operatiba ng Manila District Anti-Cybercrime Team (MDACT) ang isang 27-anyos na lalaki na sangkot sa sextortion, sa ikinasang entrapment operation sa Bocaue, Bulacan.
Kinilala ni Police Brigadier General  Sidney Hernia, Chief ng Regional Anti-Cybercrime Group, ang suspek na si Ravinner Denusta Cruz, 27, sinampahan ng kasong grave coercion, photo and video voyeurism at paglabag sa Violence Against Women and their Children Act.

Ayon kay Major Philipp Ines, ng Public Information Office (PIO), dating karelasyon ng suspek ang biktimang dalaga at nagkaroon sila ng ugnayang sekswal. Ngunit kalaunan ay iniwasan na ng biktima ang suspek.

Gayunman, nagbanta ang suspek na ikakalat sa social media ang sex video nila kung hindi makikipagkita ang biktima.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang biktima sa mga awtoridad na agad nagkasa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa Bocaue, Bulacan. (RENE CRISOSTOMO)

127

Related posts

Leave a Comment