IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Kamara sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at National Task Force (NTF) on COVID-19 na ikonsidera ang paglulunsad ng ‘shame and fame campaign” upang mabilis ang pagtukoy ng mga taong nakasalamuha ng mga positibo sa nasabing virus.
“It’s high time we start a ‘shame and fame campaign’ as a weapon in this difficult fight against COVID-19. I appeal to government and the public to join hands in pursuing this drive,” ani Laguna
Rep. Dan Fernandez.
Ayon sa mambabatas, lahat ng COVID-19 patients na lalantad at aamin sa publiko ay dapat tawaging “BayaniYan” dahil malalaman agad kung sino ang nakasalamuha ng mga ito.
Sa pamamagitan aniya nito, hindi na mahihirapan ang mga contact tracer.
Wala aniyang dapat ikahiya ang mga COVID-19 positive na lumantad dahil marami nang gumawa nito na kinabibilangan ng celebrities, mambabatas, cabinet secretaries.
Una nang sinabi ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na dapat isapubliko ang pangalan ng mga COVID-19 positive para mapadali ang pagkontak sa mga taong nakasalamuha at nakausap ng mga ito. (BERNARD TAGUINOD)
253