Layong mapababa ang kaso ng COVID-19 COMMON ORDINANCE IPINAUUBAYA SA LGUs

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa mga lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng common  ordinance para mapababa ang kaso ng COVID-19.

Isinusulong kasi ni DILG Undersecretary Martin Diño ang ‘shame campaign’ para sa mga hindi  nagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.

“Well, iniiwan na po natin iyan sa mga lokal na pamahalaan. Dahil ang ninanais natin ay magkaroon  ng isang common ordinance lalung-lalo na dito sa Metro Manila dahil mayroon tayong dalawang  linggo para gawin ang lahat na mapababa po ang pagkalat ng kaso,” aniya pa rin.

Sa ulat, sinabi ni Usec. Diño na kailangan nang pahiyain o ipahiya ang makikitang walang face mask  sa pampublikong lugar.

Ang pagsusuot ng face mask ay bahagi ng health protocol para mapababa ang kaso ng virus.

Sinabi ni Usec. Diño na mas mabuti na aniyang isulong ang shame campaign sa halip na  pagmultahin pa ang mga ito.

Nagbanta rin si Usec. Diño nang mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan para mapigil ang  pagkalat ng COVID-19.

Nais niyang maipakita ang puwersa ng mga awtoridad sa MM para matakot umano ang mga  lumalabag.

Samantala, sinabi ni Sec. Roque na kung bahagi ng shame campaign ni Usec. Diño ay ilantad ang  pangalan ng positibo sa COVID-19 ay tututulan niya ito.

Kailangan aniya na igalang ang taong positibo sa nasabing sakit.

Bukod pa sa labag ito sa karapatang -pantao ng isang indibiduwal. (CHRISTIAN DALE)

63

Related posts

Leave a Comment