LIQUID MARIJUANA ISINILID SA VAPE CARTRIDGE

ARESTADO ang dalawa katao nang makuhanan ng apat na gramo ng liquid marijuana na isinilid sa isang vape cartridge sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga naaresto na sina Sebastian Miguel Magsila at Aubrey Rose Jumawan, kapwa nasa wastong edad at nasa listahan ng Street Level Individual (SLI).

Sa ulat, dakong alas-11:45 kamakalawa ng umaga nang magsagawa ng Anti-Illegal Drugs operation ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor City Police sa P1 Brgy.

Molino 5, Bacoor City, Cavite kung saan nakikipag-transaksyon ang dalawa sa pagbebenta ng vape cartridge na ang laman ay liquid marijuana.

Matapos ang palitan ng vape cartridge at P7,500 buy-bust money, umakto ang mga awtoridad para arestuhin ang dalawa. Gayunman, tinangka nilang tumakas sakay ng motorsiklong Honda subalit bumangga sila sa isang sasakyan na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong piraso ng vape cartridge na naglalaman ng apat na gramo ng liquid marijuana na may street value na P22,500.00, sampung piraso na vape cartridge, isang itim na pouch na may laman na apat na piraso ng vape cartridge, android phone, kalibre 38 baril at motorsiklo.

Kasong paglabag sa Sec 5, 26 at 11 Art II ng RA 9165: RA 10591 in relation to Comelec Gun Ban; Resisting Arrest at Reckless Imprudence Resulting in Damage to Government Property ang kinakaharap ng mga suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

314

Related posts

Leave a Comment