HIGH VALUE DRUG SUSPECT NALAMBAT SA HIGIT PHP3.6 MILYONG HALAGA NG DROGA

TINATAYANG nasa 3 milyong pisong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa naarestong high value drug suspect sa buy-bust operation sa Brgy. Sta. Catalina, Pagbilao, Quezon nitong Huwebes ng hapon, July 7.

Kinilala ni PCOL Ledon D Monte, Provincial Director ng Quezon PNP, ang naaresto na si Samuel Marino, 23, residente ng Brgy Sta. Catalina Pagbilao.

Ikinasa ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Quezon PPO, ang operasyon at nahuli ang suspek habang nagbebenta ng ilegal na droga sa operatibang poseur-buyer.

Ayon kay Col. Monte, nasamsam mula sa suspek ang 15 sachet at isang knot tied plastic bag ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang sa 180 gramo at tinatayang may street value na Php 3,672,000.00.

Narekober din dito ang mga marked money na ginamit sa buy-bust.

Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa laban dito.

Ang suspek ay nasa kustodiya ng Pagbilao police station para sa proseso ng dokumentasyon ng kaso.

Ayon pa kay Monte, matagal nang minamanman si Marino dahil sa mga kanyang drug activities sa lugar.

“Ito ang isa sa pinagtutuunan natin ng pansin, yung mga malalaking drug personality para hindi na sila makapambiktima pa ng mga kababayan natin,” ani PCOL Monte.

“Kasabay rin nito yung mga awareness campaign natin para ipaalam sa ating mga kababayan yung masamang epekto ng ilegal na droga,” dagdag pa ni Col Monte.

(NILOU DEL CARMEN)

87

Related posts

Leave a Comment