Mas tututukan ng Palasyo UNEMPLOYMENT HINDI WAGE INCREASE

KUMBINSIDO si Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na mas dapat mabigyan ng pansin ang estado ng unemployment rate ng bansa kaysa sa hinihinging dagdag umento sa mga manggagawa.

Ayon kay CabSec Nograles, maraming nawalan ng trabaho dahil na rin sa pandemya at may mga datos na magpapakita na sadyang tumaas nga ang unemployment rate.

Kung nasa 4.6 percent lang aniya ang mga walang trabaho nuong 2019 ay halos pumalo naman sa doble ang porsiyento nito nuong isang taon na nasa 8.7 percent.

Mahalaga aniya ang dagdag suweldo pero mas makabubuting mabigyang pokus na mabigyan ng hanapbuhay ang mga nawalan ng trabaho. (CHRISTIAN DALE)

58

Related posts

Leave a Comment