Ngayong 125th PH Independence Day MODERN FIREPOWER NG AFP IBIBIDA

MASASAKSIHAN ngayon ng sambayanang Pilipino ang mga makabagong sandata ng Armed Forces of the Philippines sa gaganaping 125th Independence Day Celebration sa Luneta kung saan magiging tampok ang modern firepower at iba pang war assets ng hukbo na bunga ng DND-AFP Modernization Program.

Kabilang sa ipaparada ang apat na ground-based air defense systems surface-to-air missiles, dalawang Autonomous Truck-Mounted Howitzer System 155mm self-propelled artillery. Bukod sa makikita sa gagawing civic-military parade, ang flyby ng dalawang A-29B Super Tucano, isang AH-1S Cobra attack helicopter, dalawang  Blackhawks at dalawang  AW-109 naval helicopters na magsasalimbayan sa himpapawid.

Habang sa ground, kasabay na paparada ng mga tauhan ng Philippine Army, Air Force at Navy ang may 34 motorized/mechanized assets na sasabayan ng 26 aircraft na makikitang lumilipad sa Manila Bay at kabilang sa fly-by contingent.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pakikiisa ang Department of National Defense sa pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan na may Temang: “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”.

Sa kanyang pagbati, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro: “As the newly designated Secretary of National Defense, it is a great honor to celebrate this momentous occasion as a part of the organization serving as the custodian of our sovereignty”.

(JESSE KABEL RUIZ)

171

Related posts

Leave a Comment