P2-M COCAINE, IBA PANG DROGA NASAMSAM NG PDEA, BOC

NABULGAR ng mga awtoridad ang paggamit ng mga drug syndicate ng private and commercial self-storage facility kasunod ng isinagawang pagsalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency katuwang ang Bureau of Custom Intelligence Unit, sa West Bicutan, Taguig City.

Nakumpiska ng mga tauhan ng PDEA, BOC at NICA ang sari-saring illegal drugs at drug paraphernalia mula sa sinalakay na commercial self-storage facility sa Western Bicutan.

Ang self-storage facilities ay paboritong rentahan ng ilang indibidwal dahil mayroon itong enclosed at secure storage rooms para maitago pansamantala ang kanilang mga pag-aari na nauna nang nauso sa ibang bansa.

Nabatid sa ulat na isinumite kay BOC Commissioner  Yogi Filemon Ruiz, sa bisa ng letter of authority, sinalakay ng Bureau of Customs-Anti-Illegal Drug Task Force, National Intelligence Coordinating Agency,  PDEA Intelligence Service and Investigation Service, at PDEA Special Enforcement Service K9 Unit, ang nasabing commercial self-storage facility, sa tulong  ang local PNP.

Nakumpiska sa operasyon ang  500 grams ng suspected cocaine na may estimated value na ₱2.65 million; sari-saring E-cigarette o vape cartridges na may kargang suspected marijuana oil, at tinatayang  30 gramo ng suspected kush marijuana na may estimated value na ₱ 45,000.

Nakuha rin sa nasabing pasilidad ang transparent glass at plastic tube containers na naglalaman ng marijuana oil; iba’t ibang ziplock bags na may mga latak o residue ng suspected illegal drugs; assorted drug paraphernalia, at iba’t ibang identification cards.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong paglabag sa Sections 11 at 12 ng Article 2 ng RA 9165 laban sa mga may-ari ng naturang illegal drugs. (JESSE KABEL RUIZ)

39

Related posts

Leave a Comment