MASUSING dumaan sa konsultasyon ang panibagong panuntunan na ipinatupad ng pamahalaan hinggil sa pagsusuot ng face shield.
Sinabi ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases co- Chair Cabinet Secretart Karlo Alexei Nograles, ang pasya na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields ay resulta ng konsultasyon sa mga eksperto gaya ng mga doktor at siyentipiko.
Aniya, ipinakita sa kanila ng mga expert kasama na ang mga epidemiologist na 99 percent ang posibilidad na hindi mahawahan ang isang indibidwal kung naka-face shield habang naka – face mask at sasabayan pa ng social distancing.
Sa kabilang dako, sinabi pa ni Nograles na mababa ang protection level ng surgical face mask at cloth mask kung ikukumpara sa N95 mask na mataas ang naibibigay na proteksiyon.
Kaya nga pagbibigay diin ng Kalihim, maigi talaga na gawing kumbinasyon na ang paggamit ng face mask at face shield gaya ng ipinatutupad na sa mga public transportation at workplace. (CHRISTIAN DALE)
71