PAGTATALAGA KAY GARCIA SA PAGCOR, FAKE NEWS

HINDI pa rin nagtatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong pinuno ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Ang paglilinaw ng Malakanyang ay kasunod ng ulat na di umano’y itinalaga na ni Pangulong Marcos si Atty. George Erwin Garcia para pamunuan ang ahensya.
Itinatwa ni Press Secretary Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles ang balitang pagtatalaga kay Atty. Garcia.

“I would like the public to be informed that there is no truth to the statements being made on social media that a certain George Erwin Garcia has been appointed Pagcor chairman. No such appointment has been made,” ani Angeles sa isang kalatas.

Si Garcia, nagsilbing commissioner ng  Commission on Elections sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay itinalaga bilang Comelec commissioner noong Marso.

Nagkaroon ng maikling panahon si Garcia sa poll body matapos na i-bypass ng Commission on Appointments  ang kanyang ad interim appointment noong nakaraang buwan.

Samantala, nanumpa naman si Adelio Angelito Cruz bilang bagong Chief of Presidential Protocol ng Malacañan Palace. (CHRISTIAN DALE)

54

Related posts

Leave a Comment