PALASYO: PDU30, MATAMLAY PERO WALANG SAKIT

TINIYAK ng Malakanyang na walang sakit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos mapuna ng netizens na mistulang may sakit ang Chief Executive nang humarap sa mga sundalo sa Zamboanga noong Biyernes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, naging emosyonal at matamlay si Panhulong Duterte nang kausapin ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo.

Aniya, labis na naapektuhan ang Punong Ehekutibo sa Sulu shooting incident dahil kagaya ng isang ama, malungkot na namatayan at nag-away-away ang kanyang mga anak.

Aniya, may mga pagkakataon na basag ang boses ng Pangulo dahil sa lungkot.

Kaya, giit ni Sec. Roque na walang kinalaman sa lagay ng kalusugan ng Pangulo kundi emotional related ang pagiging matamlay nito.

Samantala, nangako aniya ang Pangulo na hahayaan muna ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na sundalo. (CHRISTIAN DALE)

64

Related posts

Leave a Comment