PBBM BIBIYAHE MULI SA US

INAAYOS at pinaplantsa na ang posibleng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Washington ngayong taon.

Ito ang binanggit ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel G. Romualdez sa isang event kung saan tumayong host ang Washington’s Institute of World Politics.

Aniya, inaasahan na bibisita si Pangulong Marcos sa US West Coast bago matapos ang taon para sa APEC summit, na nakatakdang idaos sa San Francisco sa Nobyembre 12, 2023.

“We are also working on a possible standalone visit here in Washington DC, although we have yet to agree on the likely dates,” ayon kay Romualdez.

Noong isang taon, nagtungo na sa New York City si Marcos Jr. nang dumalo siya sa United Nations General Assembly (UNGA). (CHRISTIAN DALE)

357

Related posts

Leave a Comment