PRESYO NG FACE SHIELD TUMAAS, NAGKAKAUBUSAN PA

ILANG araw bago ang mandatory na pagsusuot ng face shields ng mga commuter at driver sa Agosto 15, ay mas lalong tumaas ang presyo ng mga ito.

Kwento ng ilang mga tindera sa Divisoria, kung dati ay mabibili pa ito sa P18, ngayon ang pinakamababang presyo na ay P40, at pakyawan pa ang usapan.

Mayroon naman iba na mga nagbebenta sa labas ng Divisoria na pumapalo na sa P50 ang isang face shield.

Ang magagandang uri naman ng mga face shield ay umakyat na sa P100 bawat isa lalo na sa malalayong probinsya.

Mabilis din nagkakaubusan ng supply dahil binibili ito ng pakyawan ng iba para ibenta rin sa mas mahal na halaga.

Hindi lamang sa mga sumasakay at driver ng jeep at bus ang sakop nito.

Maging ang mga tricycle, mga nagmomotor, mga sumasakay sa eroplano at mga barko ay kailangang magsuot nito, maging ang mga staff. (CATHERINE CUETO)

60

Related posts

Leave a Comment