PULIS SA LOOB AT LABAS NG ESKUWELAHAN PLANO NG MPD

pulis

UPANG maiwasang muli ang insidente na isang mag-aaral ang aksidenteng nabaril ang kanyang sarili sa comfort room ng eskuwelahan sa San Jose Del Monte , Bulacan, plano ng pamunuan ng Manila Police District na maglagay ng pulis sa loob at labas ng mga paaralan sa Manila.

Nakipagpulong na umano si MPD Director Police B. Gen. Andre P. Dizon sa school officials sa iba’t ibang eskuwelahan sa elementarya, sa  pamamagitan ni Public Information Office ( PIO) Major Philipp Ines na siyang nagsilbing emissary at naging maganda naman ang kanilang pagpupulong.

Ayon kay General Dizon, pumapayag naman ang school officials sa presensya ng mga pulis sa loob ng mga paaralan ngunit kailangan lamang ng koordinasyon.

Pagdating naman sa pag-inspeksyon sa mga bag ng mga estudyante ay ang national headquarters na at ang DepEd na ang mag-uusap hinggil dito.

Binigyan-diin ni General Dizon,  malaking bagay ang presensya ng mga pulis sa mga eskwelahan para maprotektahan ang mga bata mula sa kanilang pagpasok hanggang sa kanilang pag-uwi. (RENE CRISOSTOMO)

30

Related posts

Leave a Comment