QUARANTINE CLASSIFICATION SA AGOSTO PINAG-AARALAN NG IATF

0

PINAG-AARALAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) at mga eksperto ang mga numero ng COVID cases sa bansa bago gumawa ng naaayong desisyon ukol sa bagong quarantine classifications sa buwan ng Agosto.

Pahayag ito ng Malakanyang sa mungkahi  ng OCTA Research na ilagay sa two-weeks circuit breaker lockdown ang Metro Manila dahil sa tumataas na namang kaso ng COVID-19.

“Lahat ng mga numero  tinitingnan natin, at in fact noong Martes nag-meeting ang IATF at may mga recommendations tayo ng community quarantine classifications sa iba’t ibang lugar dito sa ating bansa,” ayon kay Secretary to the Cabinet at IATF Vice-Chairman Karlo Nograles.

Aniya, inabisuhan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan para may pagkakataon pang umapela bago ianunsiyo ang magiging bagong quarantine classifications sa susunod na buwan.

“Yung DILG ay nakikipag-ugnayan na sa LGUs, binibigyan na sila ng advance notice sa aming irerekomenda kay Pangulong Duterte para sa community quarantine classifications for August para mabigyan ng pagkakataong umapela ,” ani Nograles.

Ani Nograles, may kapangyarihan ang mga lokal na opisyal na magpatupad ng lockdown sa kanilang lugar kung inaakalang peligroso na sa ibang mamamayan ang kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

“Mayroong authority ang LGUs to impose hard lockdowns sa mga barangay, localized or granular lockdown sa mga barangay, lurok, street, building kung may nakikitang pagtaas ng kaso basta lang mag coordination sa regional IATF,” ang pahayag ni Nograles.

Samantala, sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na matagal nang ginagawa ng LGU ang circuit breaker lockdown o granular lockdown. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment